BOO me! I sucked! No, I did fair. I passed! Good thing I passed. Bahala na nga si batman. Stuffs nga eh. Stuffs sucks! UNO? ^%$#
Anyways, CHANGE TOPIC NGA!
Nararamdaman ko, unti na lang, uupakan na ako ng mga kaibigan ko sa pagka-grade conscious ko eh. Unting-unti na lang. Hindi ko lang talaga matanggap. Totohanan na, I think I deserved better. Pero kung ganun judgement, eh di wala na nga talaga tayong magagawa. Kasi pag pinakita yung computations, mapapahiya lang ako ng bonggang-bongga. Malay mo nga naman bagsak ako sa midterms exams. Expectations nga naman. Sa susunod kasi don't expect high grades. Low grades na lang para pag mas mataas mas masaya. Dami kasing pressure sa paligid. Ang sarap nilang saktan.
CHANGE TOPIC NA TALAGA!
MAIKSI NA BUHOK KO! (eh anu naman?) Wala lang, sinasabi ko lang, bakit ba? blog niyo? blog niyo? ha! Andameng benefits, pramis! After nito, icoconvince ko na magpagupit na din kayo.
1. Cute at nagpapa-bata ang maiksi na buhok. Proven and tested. Ngayon, tawag nila sken cha-cha!
2. Hindi hassle sa jeep. Pag mahaba hair mo kailangan mo pang hawakan kasi kawawa naman yung nasa likod mo pag nilipad, malay mo busog pa pinapakain mo na.
3. Mainit di ba? Mahirap magayos pa ng hair. Lalo na pag mahaba kasi malagkit. Kaderder. I swear. Hindi maganda, major turn-off pag magulo at malagkit ang hair.
4. Tipid sa shampoo saka conditioner. Kanina nga, kala ko mahaba pa din buhok ko madame ako nalagay na shampoo, super bula tuloy yung hair ko.
5. Hindi ka na manghihiram ng ponytail. Kasi wala ka naman kasing iipitin eh. Hairpin na lang hihiramin mo. Or clip or headband.
6. Maiksi na yung hair fall mo. Madaling itago kesa pag mahaba!
7. Hindi ka na dadalas na pumunta sa powder room. Pwede naman kamayin ung pagaayos ng buhok kasi maiksi lang. Bawas sabit!
8. Hindi ka na mammroblema kung anung klaseng ipit o hairstyle ang gagawin mo sa buhok mo. As if maiipit mo di ba?
9. Less iron time or less curler time. Pwede din wag ka ng mag curl at mag iron.
10. Matagal-tagal ka pa ulet vivisit sa parlor kasi matagal pa hahaba ang buhok mo. Asa ka naman. Pwera na lang kung gusto mong imaintain ang iyong short hair.
Hindi ako maglalagay ng disadvantages kasi pampalubag loob na nga lang toh sa akin eh. Akalain mo lagpas isang dangkal ko (kamay ko ha!) Yung ginupit sakin. Masakit yun! Mga 1 and a half year ko pinahaba yun. Maganda yun. I suggest pwede pang gawing hair extension yun. tsk tsk tsk
ENOUGH OF DRAMA. Happy nga dapat eh! ^_^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment