BOOO! english pa ako huh! para namang tatangkad ako saka tatangos ilong ko pag tumangkad ako nag-english ako! (sabay palit na naman ng font at font size)
MGA SPECIAL THANKS...
Salamat ke ACHMED (hindi niya tunay na pangalan) - alam mo na kung bakit! At salamat din sa mga magagandang sinabi mo tungkol sa blog ko (na sobra sobra kong ikinatuwa!) na pinost mo pa sa wall ko sa facebook kasi wala kang account dito. Salamat na din sa sinabi mo na pwede pa kitang awayin (pero kahit sabihin mo naman na wag na, aawayin pa din kita) salamat talaga! Ngayon ko napatunayan na tunay kitang kaibigan (wooohh, cheesy!).
Salamat din ke HONEY (tawag ko sa kanya, pero di niya pangalan yan) - Salamat sa pag-basa mo ng blog ko, kahit na nung gumawa ako ng isa pa kagabi, bigla ka na lang nag-out, saktong-sakto nung i-PPM na kita para pakita sayo. Pero ikaw pa din yung isa mga unang tao na sumuporta sa blog ko, MABUHAY KA!
Salamat kay TOY CRANE (di niya tunay na pangalan, see blog walang isip.) - dahil ikaw yung unang taong nagbasa ng blog ko, iyon ang prize mo sa akin, fineature kita sa pangalawa kong blog (YEHEY!). (background music: oh, no, i do not hook up up) Salamat sa pangeenganyo mo na magsulat ako dito, at ngayon naaadik na akong mag-blog! Hindi na ako makagawa ng assignment ko!
Salamat ke MAYOR (di niya tunay na pangaln pero kilala niyo naman siya) - sa pageenganyo sa akin na kumita ng pera gamit ang blog ko. Salamat na din ng advance kasi tuturuan mo ako mag-design ng blog ko!
Salamat sa unang (sabay check ulet kung ilan na nag-view ng blog ko) 15 na bumisita sa blog ko! Kung sino man kayo, natutuwa talaga ako sa inyo. Kahit na sana nagcomment man lang kayo sa akin! Peace tayo!
Ang saya pala malaman na meron din pala pumapansin sa mga papansin kong status noh? Kaya nga nagtwitter ako para kahit papansin lang yung tweet ko eh, ayos lang. Kasi lahat naman ng tao dun papansin. Kaya nga sila ng-twitter kasi gusto nilang pansinin yung lahat ng kilos nila. Oo na, papansin din ako kaya ako ng-twitter. Pero nagpapasalamat pa din ako kung sino man ang gumawa ng twitter kasi ng dahil sa twitter, nakakapagpapansin din ako sa tamang-lugar. Dati rati kasi, walang pumapansin sa status ko, feeling ko nga kahit ilagay ko dun na-- 'magpapakamatay na ako any minute' walang papansin eh! Siguro may papansin lang pagsinabi ng status ko -- 'jean is...' -wag na natin ilagay kasi masyadong masaklap sa pakiramdam. Napatunayan ko lang na may nacucurious din pala sa mga pa-hapyaw (tama ba?) kong post sa facebook. Eh si happyslip nga kahit walang kwenta nilalagay niya sa youtube may nangengeelam pa din eh. Tapos meron pang ibang tao, (based on true to life experience...) ganito...
...May nag-post ng video ng isang artista sa youtube. Kasi idol niya yung artista kaya gagawa siya ng slideshow ng pictures ng artista na yun kahit na super walang kwenta na nakita na din naman sa ibang slideshow ng mga pictures ng artista, tapos ipopost niya sa youtube (papansin siya eh, bakit ba?). Tapos may biglang mag-cocomment,
"Napakawalang-kwenta naman nito ni TOOOOOOT nakakairita kaya siya! Ayoko makita pagmumukha niya! Papansin lang nkikinig sa kanta niyan saka nanunuod diyan eh!"hindi mo alam kung matutuwa ka ba na may nag-comment sayo o maiinis. Ang sarap sagutin ng ganito oh!
"Hello? Why the hell would you even care to comment on this video if you fucking hate the artist! Get a life JERK!"Di ba? mas maganda pa na wala na lang mag-view ng video kesa sira-siraan yung pinost mo! Dapat kasi good comments lang ilalagay. Bakit pag nag-rate ka ba may nakalagay ba dun na -- 'REMOVE THIS VIDEO.'? Wala naman di ba? (pwera nalang kung illegal yung pinagpopost mo) Sino kayang mas papansin sa dalawa noh? Yung nag-comment o yung ng-post? Pero kung sobra kang papansin, pwede mo din gawin yung ginawa nung nag-comment. Gawin mo sa lahat ng video ng artista na ayaw mo. Kaso nga lang, pag nakita ka ng artista na sinisiraan mo, yun lang. Wag mo na akong sisihin dun. Pero yung normal na papansin, gagawin nun yung ginawa nung nag-post.
Pwede din gayahin mo na lang si magic 8ball (kilala niyo ba si magic 8ball?). Sobrang papansin siya na sobrang nakakaasar na! Kunwari tatanong mo, "Maganda ba ako?" Sasagot naman siya, (sabay tanung sa totoong magic 8ball sa desktop ko, aha! mabait si magic 8ball ngayon) "OUTCAST 99%" LOKOHAN NA TOH! Para sure, tanungin mo ulet, "Maganda ba ako?" Sagot niya, (sabay tanung ulet sa totoong magic 8ball sa desktop ko, LOKO TALAGA SIYA!) "NOT NOW." MGA KALOKOHAN NI MAGIC 8BALL! Sabi nga ni bakla (peace tayo men, di niya tunay na pangalan), "Kaw lang naman ata naniniwala jan eh!" Oo nga, ako lang! Kasi naman, parehas kaming epal ni magic 8ball, kanya-kanyang trip lang yan men! (At hindi naman obvious na uto-uto ako kay magic 8ball)
Ako? Gaano ba ako ka-papansin? Tama lang naman. Yung nag-popost ng tweet na - "I LOVE @katyperry!" para makita ni katy perry yung post ko kahit na feeling ko na tatabunan na yun nung milyong-milyon na nagmemention sa kanya sa mga tweets nila. Na halos maging trending topic na si katy perry sobrang dame ng nag-mention sa kanya. (oi hindi sila maka-ride, magtwitter na kasi!)
Ito na lang. Kung gusto mo maka-experience ng mga bagay na papansin, download mo si magic 8ball sa gadgets mo(para parehas na tayong uto-uto)! Kung papansin ka, HIGH FIVE TAYO! At kung parehas tayong certified papansin, gawa ka na din ng twitter! Dun, hindi kita lalaitin na papansin ka, kasi kahit anu ilagay mo dun pwede! Basta walang laitan ng tweets! Follow mo na din ako. @jeeeeeen yan yung username ko. Follow mo ako ha! Kasi sa facebook, may mga taong sensitive na ayaw ng mga-epal na status updates eh. Kaya kung ako sayo twitter na! (promoter ng twitter) Don't forget to FOLLOW ME! meron naman ata sa gilid nitong blog ko, makikita niyo yung mga papansin kong tweets. Meron din jan yung FOLLOW ME. Oh ano? Kita-kits na lang sa twitter!
honey ko lagay ka ng chatbox sa blog mo.. hehehe.. para cool.. punta ka din sa blogskins ba yun tas marame kang makikitang layout.. ^^, hahaha.. ilalagay kta sa mga links ko sa blog ko.. ^^,
ReplyDelete-vhanz
wow honey ko may blogger ka din! galing mo! lab you!
ReplyDeleteuu honey, mtgal na.. ^^
ReplyDeleteadik ka dn pala sa koreans, korean ba taiwanese?
ReplyDelete