Ito na talaga, kasi ganito yun (rason kung bakit ako nagsulat ng blog at bakit nga ba buong tagalog) nagbabasa kasi ako, ay hindi pala. Pinapakielaman este tinitignan ko kasi yung profile ng crush ko (wag na natin sabihin kung saan, basta!) tapos may nakita akong link. Syempre curious ako kasi nga crush ko yun (speaking of... ito na siya!) pinindot ko yung link. Pag-pindot ko ng link biglang napunta ako sa blogger (isang blog pala yung link!). Tapos binasa ko yung nakasulat sa blog, natuwa ako. Ang galing kasi nung nagsulat eh. Na-inspire ako masyado kaya parang gusto ko na ding magsulat. Actually, dati ko pa gustong magsulat ng ganitong blog kaso masyadong busy sa school. At, speaking of school, hindi pa din ako maka-getover sa pagbagsak ko sa inprola! (secret lang natin yan baka malaman ng nanay at tatay ko tska ng mga kapatid ko, deads ako!) Kasi naman! badtrip! eto kwento ko na sa inyo...
(kaninang inprola...)
SIR INPROLA: "o cge bunot na kayo ng tanung nyo"
...bumunot si groupmate...
GROUPMATE1: "declare a hiding field and show it's output" (basta parang ganun!)
...hala cge tawa sila malay ko kung bakit kasi feeling ko mahirap yung tanung, nadalian ata sila, ang ngengots ko talaga!
AKO: "tawa kayo jan alam niyo ba yung hiding field?"
...o libre aral toh -- ung hiding field, magdedeclare ka ng method sa both super class at saka sa subclass tapos ipaparehas mo ung method name pero dapat iba yung functions (parang ganun!) -- akalain mo yun, alam ko tapos mali ung sagot namin! eh di todo sagot na kami dun kasi 5 minutes lang kasi yung time tapos todo-PANIC na ako kahit hindi gaanong halata (lagi namang hindi halata pagnagpapanic ako eh).
SIR INPROLA: "ok time na kayo!"
GROUPMATES at AKO: "hala sayang!"
SIR INPROLA: "anu ba yan, sobra na nga kayo sa time tapos hindi niyo pa tinama!" (OUCH yun!)
Sa isip isip ko, hala bagsak na ako sa inprola, pano na yung cellphone na pinangako sa aking ng mama ko pag mataas yung grade ko? Pano na yung grade ko sa midterms? Hindi ko tanggap bumagsak, sobrang dameng effort ko sa inprola tapos ibabagsak ko lang? Parang sa isip ko gumuguho na yung mundo, parang ung palabas na 2012. Wala na akong pag-asa. Ang tanga tanga ko! Wala akong panama. Mag-shift na lang kaya ako? Anung course naman? ABMA? (sabay iyak palihim) Napansin nila na naiyak ako, syempre todo-damay yung mga ever-loving-friends ko (thank you! kahit na habang hinahagod niyo yung likod ko, pinapatahan niyo ako, sinasabi niyo na makakabawi din ako, sinasabi niyo na magiging ayos lang lahat, lalo akong napapiyak at lalong nagsisink-in sa utak ko na BAGSAK AKO! BAGSAK!).
Tapos sabi pa ni SIR INPROLA (badtrip tong keyboard kala ko END yun pala DELETE!): "gusto niyo ba malaman yung grade niyo?"
AKO: "ayaw ko po!"
SIR INPROLA: "sige hindi ko sasabihin yung sayo."
... pero sinabi pa din niya! 70 grade nameng mga ka-groupmate ko! 70. 70. 70! BAGSAK, este hindi pala kasi sabi niya 70 daw passing. PERO BAGSAK PA DIN YUN kung gusto mo ng 4.0 para sa FINALS! hayyy, ayoko na nga alalahanin naiiyak na naman ako.
Tapos isa pang midterms! ALGEBRA! Buti na lang medyo medyo nakakaintindi ako ng numbers at nasagutan ko lahat ng nakakahinga ng maluwag! Medyo nasiyahan na din ako. Buti na lang din at pag-uwi ko napanuod ko yung paborito kong palabas (Vampire Diaries, panuorin niyo din, maganda yun! PRAMIS!) at muli akong bumalik sa dati. Natuwa na ulit ako. Sana nga lang totoo yung sinasabi ng mga classmate ko na makakabawi din ako at hindi naman ako ibabagsak ni SIR INPROLA.
At bigla ko na namang naalala, na FRIDAY THE 13th pala ngayon. Eh dati rati sinuswerte ako pag ganun, ngayon minamalas na ako. Siguro nga umiikot ang mundo. Siguro nga....
No comments:
Post a Comment