Wednesday, December 16, 2009

MALAS = ako

Matagal-tagal na din akong hindi nagsusulat. Since tapos na ako sa homework ko at kahit medyo late na, afternoon pa naman pasok ko tomorrow, magsusulat muna ako.


LRT INCIDENT


Listen, Everyone! May ikukwento ako! Sino sumasakay ng LRT? Eh, di ba sobrang dami ng pasahero nun, tapos, sobrang bilis pa magsara ng pintuan! Siksikan sa loob, maliit ang hallway! (Halatang BITTER eh) Ayun, inipit lang naman ako ng pintuan ng LRT! Kasi ganito yun, sa Baclaran Station kami sumakay, eh di nakaupo kami kasi maluwag yung train since yun yung first station. Nasa gitna ako nakaupo. Gitna as in, gitna ng dalawang pintuan. Eh di medyo malayo yun sa pintuan. Eh di habang lumalayo yung station, napupuno yung tren. Tapos halos wala ng space. Sabi nung tren, "U.N Station!" Eh di tumayo na kami kasi dun na kme bababa. Pa-easy easy pa ako bumaba kahit sobrang sikip. Excuse jan, excuse dito. Para akong naglalakad sa tubig sobrang sikip! Ako huling nakarating sa pintuan, biglang tumugtog na yung tugtog pag nagsasaraa na yung tren, madali mode ako, madali mode din yung mga tao sa labas na sasakay. Di ba nga may rule na, "PALABASIN MUNA ANG MGA PASAHERO, BAGO SUMAKAY!" Parang sa elevator! Eh mga wala sa matitinong pag-iisip ang mga mamang lalaki dun sa LRT!  Mga HAPIT maka-sakay! Inipit nila ako! Kabog sila! EH di yun na trap ako. Medyo maliit na lang yung space, naisipan kong pumasok nlng ng tren kesa sa maipit. Eh ang magaling kong classmate na masyado akong mahal, hinila pa ako palabas. Eh di todo-ipit na ako! Todo sila bukas ng pintuan, pinipilit nilang hindi ako maipit. Taranta mode na din ako, kasi pano kung makaladkad ako ng tren? Napaka-walang poise ko namang mamamatay nun. Mamamatay na nga lang ako, ang PANGET ko pa! Tapos eh di yun, sobrang hopeless na, natirang naipit yung left foot ko. Hopeless na ako, nagreready na ako sa last will ko ng biglang bumukas ang pintuan. BOOM! Todo-effort ako na malabas ang buong pagkatao ko sa tren na yun  tapos biglang bubukas pala ang HAYOP! LECHE! Eh di yun, near death experience yun! Tapos ang isa ko pang MAGALING na classmate. SOBRANG GALING ANG SARAP GILITAN ng LEEG! Todo-TAWA ang HAYOP! Halos LUMAMPASAY na siya dun sa lobby ng LRT! Siguro kung natuluyan ako sobrang guilty nun, pero feeling ko walng puso yung taong yun kaya ayos lang yun. Siguro, matatawa pa siya sa fact na namatay ako dahil kinaladkad ako ng tren! KILALA MO KUNG SINO KA! GRRRR! I HATE YOU! Matagal na toh, mga 1st week pa ng December, ngayon ko lang na-POST.


GOLDBERG!


Eto na naman ako, magkkwneto ulet ng kasawian ko sa buhay. Alam niyo ba yung goldberg? Kung hindi, i-google niyo na lang hindi ko ieexplain. Eh di yun, nagawa kami ng goldberg. Eh nasa table ang dalwa kong klassmate. Tapos andun ako sa baba. May laruan kameng kabayo na sumisipa. Tapos sobrang galing ng reflexes ng classmate ko, nahulog yung kabayo sa ulo ko! Masakit ha! Tapos yung magaling kong classmate na tumawa din sa akin sa LRT, tinawanan ulet ako! PABUGBOG na nga ang hayop! Sabi pa niya, buti daw na-save ko yung mga Dominoes. POTEK, na-concern pa sa mga lecheng DOMINO eh hindi naman siya nagtayo. Ako naman! GAGALING TALAGA!!!


Palagi akong naaksidente siya lagi tumatawa. Natamaan ako ng bola ng volleyball, siya tumawa! Grabeh! Sobrang pagmamahal niya sakin, tuwang-tuwa siya sakin ang sarap niyang SAMPALIN! -- itago natin siya sa pangalang ALFRED JOHN LAJOM!


Buti na lang medyo mabait ako. Nagagalit lang ako sa kanya pag naaalala ko. Tapos sabi nila maldita ako. Tsk. Lapitin na nga ako ng mga aksidente. Inaaway pa nila ako. Kaya kahapon, kahapon ba yun? Basta nung isang araw, inaway nila ako. Pinagkaisahan ako ng mga tinuturi kong kaibigan! Gagaling nila! Sabay sabay sila, sabi nila MALDITA daw ako. Tapos nung medyo naluluha na ako, ang isa kong klasm8 (tago naten sa pangalan na Noelyn Exconde) sinabi pa, "Tignan mo Maldita talaga." Pabulong pa yun eh. As if naman hindi ko maririnig! Ayun umiyak tuloy ako. Tapos sabi nila hindi daw nila akalain na iiyak ko. Yun pala pinagttripan lang nila ako nung time na yun. Pero ang totoo, Maldita talaga tawag nila sa akin. Forever na yun! Badtrip sila! 


Meron pang isa, may classmate ako na itago naten sa pangalan na Anthony Paul Gonzales, araw araw na lang na ginawa ng Diyos, Inaaway ako ng HAYOP! Trip lang daw niya ako. 


IT SUCKS pala pag trip ka ng lahat ng tao. Lagi ka nilang babadtrip-in. Kala nila mabait ako, na totoo naman. Grabeh, ang sama nila. alam nilang hindi ko kaya magalit ng pang matagalan. Hindi ko natitiis eh. Kaya ayun todo-ASAR sila sa akin. Pwede bang si Eva na lang asarin niyo? Mas madali pa! HAHAAH :)) peace ebs! 

No comments:

Post a Comment