Monday, January 4, 2010

the return

Kaawa-awang Blogger ko. Natabunan na ni Tumblr ko. Kaya ngayon, ako'y muling nagbabalik! Yes, I'm back! At wala kayong magagawa kundi basahin ito. Tapusin niyo kung maari. It's a REQUIREMENT!


So, kakatapos lang ng HOLIDAYS! Kamusta naman kayo? SUPER BELATED MERRY CHRISTMAS nga pala. Saka belated HAPPY NEW YEAR! Year of the Tiger ngayon kaya feeling ko puros aggression ang year na ito. At kung anu man ang mangyari ngayong taon na to, sana malagpasan nating lahat ng matiwasay. Yeabah! Gumaganun na ako ngayon? Ganito ba epekto ng New Year? Aus din ahhh. 


Wala naman gaanong nangyari sa bakasyon ko. Dito lang ako sa house namin, naguubos ng oras kakatulog, manuod, magbasa, mag-internet, kumain, gumawa ng household chores, magsoundtrip... Pero nasiyahan ako dun. It sounds boring right? Kanya kanyang trip kasi yan. Wala kayong pakielam! Pag naririnig ko nga yung pasukan, nababadtrip na ako. May routine na kasi ako eh. Ganito yun...


...Gigising ako ng 10 am. Kakain ng almusal, manunuod ng showtime, tapos they kissed again, tapos matutulog or gagawa ng household chores or maliligo or magbabasa or magcocomputer or pagpapatuloy ang panunuod ng TV. Basta kailangan by 4:45 tapos na yun lahat. Kasi manunuod na ulit ako ng TV. Uber, Precious Hearts, Katorse (hindi din ako fan ng ABS). Kakain ulit tapos computer. Tapos pag 9:30 na manunuod ulit ng TV kasi PBB na tapos BOF. Tapos balik PC hanggang 12. Tapos tulog na. Galing ko noh?!


So, kamusta naman ang christmas celebration niyo? Namasko ba kayo? Ako hindi na. Nakakahiya na eh, matanda na daw ako. Kahit na medyo disappointed ako kasi wala akong gift. Ayos lang yan! Mga ninong saka ninang ko tuluyan na akong kinalimutan. Alam kasi nilang matanda na ako, hindi na ako manghihingi. Hindi man sila nagkusang loob! ARGH! Two years or three years ago, bale mga 3rd year high school ako nun. May ninang ako na nakaalalang regaluhan ako at ang masaklap, ang niregalo sa akin ay ang napakagandang Robby Rabbit na bag! Halerrrr??? Bata ako? O, hindi naman ata talaga dapat sa akin yun, napadpad lang siguro sa akin. Hindi naman ako namasko eh. Siya nagbigay. Di ko alam kung nananadya na sinasabi, "WAG KA NA MAMASKO SAKIN!" Hindi na naman ako namamasko ha! Hahahahaha... May galit? Pero at least naalala niya ako. 


Eh new year niyo? Nagpapaputok ba kayo? Naputulan ba kayo ng kamay? Buti naman wala. Sino dito tatanga-tanga na nagalusan ng magpaagaw ng barya nung new year? May kakilala ako, (hahahahaha) nagasgasan kasi nag-dive sa carpet! tsk. Buti pa ako, hindi man lang natamaan ng ligaw na barya sa ulo, Kusa silang lumapit sa akin at walang nakipag-agawan! Come on! Pagka nga naman sinuswerte ka! Nakuha ko ata kalahati ng pinaagaw. Magaling magaling magaling! Hindi masyadong magarbo ang bagong taon lalo na't ube roll lang ang cake na handa namin. Nagkaubusan na kasi sa mga Goldilocks saka Red Ribbon. Ubusan na din ng cream of mushroom sa grocery kaya yung mga tito't tita ko na dapat magcacarbonara, nag-ice cream na lang. Meron din silang cake, tapos kami may hotdogs saka spaghetti w/ marshmallow ready na sa kids' party! Kawawa nga mga puppies ko saka yung aso namin kasi natatakot sa paputok eh. Tapos, have you noticed na full moon nung new year's eve? Nice di ba! Ang ganda pa ng view dun sa part namin sa Cavite kasi clear yung skies, kita yung stars and moon, tapos kita mo din fireworks kasi di tulad dito sa city may mga gahaman na bahay na hanggang 3rd floor kaya ndi mo na masilayan yung fireworks ng kapitbahay niyo. May mga badtrip din na bata na nagpapaputopk ng sobrang ingay. Pla-pla ata yun. Bawal na yun di ba? ang tigas ng ulo! Parang nag-eenjoy pa silang makita na nagugulat ako pag nagpapaputok sila! Ang sarap tapunan ng super lolo eh. Anyways, masaya naman ang new year at walang nabawas sa aking mga daliri and my family's daliri-s. 


And now, pasukan na ulit. Good luck sa atin! Sana maging successful itong term finals next week. I'll keep in touch with this blog as soon as I have time. Asahan niyo na next blog ko eh tungkol sa grades ko o kaya sa finals. Hayyyy. Geh gabi na. Nighty-night guys!

No comments:

Post a Comment